Umiikot ang walong planeta sa iisang araw ika nga.
Nakatung-tong sa isang planetang marami ang humihinga.
Pitong kontinenteng mayroong iba't ibang kwento at mukha.
Milyun- milyong tanong sa puso sa iyo'y gumagambala.
Bakit? Ano? Kailan? Saan? Paano? Sino?
Sisimulan ko.
Lahat naman tayo gusto lumigaya di ba? Swerte na kung ikaw ang napana ni kupido at nakita mo na ang soulmate mo, ehhh pano kung wala? Ayan... Madaming tanong di ba?
Bibigyan ko to ng pamagat na... " SM "
SM meaning "soulmate"... Maraming naghahanap ng soulmates ngayon, malay ko ba noon kung ano yan, ang akala ko pa nga hanapan ng kaluluwa. O edi natakot ka kung kaluluwa ang hahanapin mo di ba? Pero ano nga ba, paano mo malalaman na soulmate ba yang katabi mo, yung nakasalubong mo kanina habang naglalakad ka, eh yung nakasakay mo sa jeep? Yung nabangga ka sa hallway, nakasabay magwithdraw, officemate mo, bestfriend mo, at yang mga bago mong kakilala.. Sige paano? Ang hirap no...
Siguro kung meron lang radar na madedetect mo na soulmate mo na yang kaharap mo, madali na tong usapan na to. Pero WALA. Malas lang.
Nagkakacrush ka ba? Okay lang yan e ganyan naman lahat ng tao di ba? Normal ba.
Nagmamahal ka ba? Okay lang yan basta ba magmahalan kayo ng MASAYA. Baka kasi nagmamahal ka nga di ka naman happy. Ano kaya yun?
Nagmahal ka na ba? Nasaktan ka di ba? Okay lang yan e lahat naman nasasaktan dyan. Kung takot ka masaktan, wag ka nalang magmahal. Period.
Nag-iisa ka? Okay lang yan. Darating din ang nakalaan sayo.
O ikaw ba lahat nung nasa itaas?
Sumigaw ka ng "OO".
Oo sumigaw ka.
CRUSH.
Bakit ka ba nagkaka-crush? Ano pamantayan mo?
Dahil ba gwapo o maganda?
Sexy? Hot?
Matalino?
May sense of humor?
May appeal?
Tahimik o maingay?
Mysterious?
Nice personality?
Maganda ang mata, ilong, bibig, paa, tuhod, balikat, kasama na ang ulo?
Marami naman kasi tayong dahilan bakit tayo humahanga sa isang tao. Ilan lang ang mga yan sa mga kadahilanan o katangian na nakikita natin. Masaya na nga tayo minsan na nakikita natin sila o nakakausap di ba? Kuntento ka na sa ganun. Pero hanggang kailan?
Subukan mong alalahanin ang mga karansan mo nung nagkacrush ka.
Isipin mo kung bakit...
Nakakakilig. Mahirap. Masaya. Masakit
Sabi nga sa isang kanta " It's just.. Ahh.. A little crush"
Little? Weh.
NAGMAMAHAL KA.
Heaven!!! Woooh!!! Eh talaga namang para kang nasa langit kapag nagmamahal ka di ba. Di mo na maisip na patuloy ang pag-ikot ng mundo kapag nasa ilalim ka ni kupido. Sabi ko nga, masarap magmahal kapag masaya ka, oo, mayroong ilang problema pero kapag naniniwala kayong matibay ang pundasyon, di yon matitibag.
Palagi ko ngang sinasabi na hindi ako hanga sa magkarelasyon na super ang holding hands o kissing in public, date sa mga mamahaling resto, bakasyon sa iba't ibang lugar o kahit pa sa mga milyon- milyong memories nila.
Mas likas akong hanga sa magkarelasyong milyon-milyon ang pagsubok, pero ayun makikita mo paring masaya at nalalagpasan ang bawat problema.
Sana isa ka sa mga hinahangaan ko.
So SM na ba? Malay mo.
Hindi lahat fairytale-like. Happy ending.
Ang true love walang ending kahit pa happy.
NAGMAHAL KA.
Hell!!! Waaahh!!! Ang katapusan ng relasyon ay hindi katapusan ng mundo.
Bangon! Go! E tanga ka kasi bakit ka assuming na SM mo na sya? Di mo na feel?
Feel na parang mali? Kumbaga sa ngipin, may butas na, sira na! Kahit ipapasta mo pa yan, nasira pa rin yan.
Oo. Tanga lang. Sorry. Tao lang.
Wag ka magmukmok. Sa una lang yan.
Sabi ko nga sa intro ko kanina,
8 planets, 1 earth, 7 continents, nasa Pilipinas ka so... Pitong libo at mahigit na isla yan
Tapos iiyak ka sa isang tao?
An ending means a new and better beginning!
Marami jan. Di mo lang pinapansin, di mo lang nakikita.
Sabi nga sa kanta "I will love again... Even if it takes a lifetime to get over you..."
Wag kang emo. Babatukan kita.
NAG-IISA.
Hmmm... Single is sexy.
Ikaw. O ikaw nga. Alam ko nagka-crush ka na eh... Nagmahal ka na... Pero ngayon, alone pa rin ang
Drama. Nagiisip kung kailan darating si SM!
May iba nga jan NBSB o mga NGSB - mga No Boyfriend Since Birth/ No Girlfriend Since Birth!
Kung ikaw man ay kabilang sa mga ito o galing ka sa "nagmahal stage", again and again,
Gising!
Get out of your box and show them what you've got!
Hindi naman ito laro na find the missing SM...
Kailangan mo lang gawin eh yung mga di mo pa nagawa.
Kailangan MATUTO ka.
Sa lahat ng ito, isang malaking PAANO mo nga ba malalaman na SM mo na siya?
-Nagkita, nagkakilala sa di inaasahan pangyayari, panahon, at oras.
-Sa una nyong pagkikita, para bang matagal mo na siyang kakilala.
-Madali nyo nang naiintindihan ang bawat isa't.
-May powers kayong mag-usap gamit ang isip.. (hmmm)
-Nakikita mo na ang sarili mo sa kanya ng mahabang panahon.
-Nakasisiguro kang maibibigay mo ang buo mong tiwala at pagmamahal sa kanya.
-Nailalabas mo ang tunay mong pagkatao sa harap niya.
-Magkamukha kayo.
-May mga pagkakaparehong di nyo inaasahan: Maaring pareho ang unang letra ng inyong pangalan o magkatunog ang mga ito; huling numero sa cellphone numbers; pareho ng mga kinokolektang mga items o mga hilig; pagkain; sports; lugar; pelikula; genre ng kanta at marami pang iba.
-Maaring pareho ng BIRTHDAY!
-Natatanggap mo ng BUO ang inyong pagkakapareho at pagkakaiba.
Ilan lamang yan sa mga PANIMULANG signos paano mo malalaman kung SM mo na siya,
Ngunit nananatili lamang itong mga signos hanggat di ninyo nararating ang DULO.
Sa lahat ng ito, isang malaking PAANO mo nga ba malalaman na SM mo na siya?
-Nagkita, nagkakilala sa di inaasahan pangyayari, panahon, at oras.
-Sa una nyong pagkikita, para bang matagal mo na siyang kakilala.
-Madali nyo nang naiintindihan ang bawat isa't.
-May powers kayong mag-usap gamit ang isip.. (hmmm)
-Nakikita mo na ang sarili mo sa kanya ng mahabang panahon.
-Nakasisiguro kang maibibigay mo ang buo mong tiwala at pagmamahal sa kanya.
-Nailalabas mo ang tunay mong pagkatao sa harap niya.
-Magkamukha kayo.
-May mga pagkakaparehong di nyo inaasahan: Maaring pareho ang unang letra ng inyong pangalan o magkatunog ang mga ito; huling numero sa cellphone numbers; pareho ng mga kinokolektang mga items o mga hilig; pagkain; sports; lugar; pelikula; genre ng kanta at marami pang iba.
-Maaring pareho ng BIRTHDAY!
-Natatanggap mo ng BUO ang inyong pagkakapareho at pagkakaiba.
Ilan lamang yan sa mga PANIMULANG signos paano mo malalaman kung SM mo na siya,
Ngunit nananatili lamang itong mga signos hanggat di ninyo nararating ang DULO.
Bilog ang mundo,huwag mong ikulong ang sarili mo sa apat na sulok.
Alamin mo kung sino ka.
Kung anong gusto mo.
Maniwala ka, sasabihin mo na tama ako...
Tapos, balitaan mo ko kapag natagpuan mo na ang SM mo ha o patuloy ka parin sa ikot ng kwento ko.
-Coolcupido
Papaano po ba malalaman talaga na sya na ang SM mo?
TumugonBurahin